Gloc-9 Sirena lyrics

ionicons-v5-k ionicons-v5-j
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0-9
 
TabCrawler.ComG / Gloc-9 / Sirena log in ] [ register ]
TABCRAWLER Online Sheet Music & Lyrics Archive Member Votes: 0 / 5(0 votes)
TAB VIEWS for sirena lyrics: 255

To to be able to download PDF tabs, rate, comment & submit guitar tabs, bass tabs, keyboard tab, lyrics and drum tab files you must LOGIN TO TABCRAWLER Online Guitar Tabs & Guitar Pro, Bass Tab, Drum Tabs Archive MEMBERS ONLY AREA.
[PRINT]
Did this lyrics for sirena help you?
You must LOGIN to rate this lyrics.
Help us improve the tab & lyrics archive!

Sirena by Gloc-9 Sirena lyrics [Ebe Dancel] Ako'y isang sirena Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda Ako'y isang sirena Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba Drum na may tubig ang sinisisid Naglalakihang mga braso, sa'kin dumidikdik Drum na may tubig ang sinisisid Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib [Gloc 9] Simula pa no'ng bata pa ako, Halata mona kapag naglalaro Kaya para lahat ay nalilito, Magaling sa chinese garter at piko Mga labi ko'y pulang pula, Sa bubble gum na sinaba Palakad lakad sa harapan ng salamin, Sinasabi sa sarili "ano'ng panama nila" Habang kumekembot ang bewang, Mga hikaw na gumegewang Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang Upang matakpan ang mga pasa sa mukha Nga galing sa aking ama Na tila di natutuwa sa tuwing ako'y nasisilayan Laging nalalatayan, Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayan Na imbes na tumigas ay tila lalong lumlambot Ang puso kong mapagmahal Parang pilik matang kulot. [Ebe Dancel] Ako'y isan sirena Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda Ako'y isang sirena Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba Drum na may tubig ang sinisisid Naglalakihang mga braso, sa'kin dumidikdik Drum na may tubig ang sinisisid Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib [Gloc 9] Hanggang sa naging bibinata na ako Teka muna mali, dalaga na pala 'to Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin Ano bang mga problema nyo Dahil ba ang mga kilos ko'y iba, Sa dapat makita ng inyong mga mata Sa tuwing nanonood ng liga laging natutulala Kahit di pumasok ang bola ako'y tuwang tuwa Kahit binaliw nas a tapang, kasi ganun na lamang Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang Tama nanaman itay, di na po ako pasaway Di ko na po isusuot ang lumang saya ni inay Kapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambon Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon Kasi araw araw na lamang ay walang humpay na banat At inaaabot ang ganda ko papailalim ng dagat [Ebe Dancel] Ako'y isan sirena Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda Ako'y isang sirena Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba Drum na may tubig ang sinisisid Naglalakihang mga braso, sa'kin dumidikdik Drum na may tubig ang sinisisid Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib [Gloc 9] Lumipas ang mga taon na nagsipag-asawa Aking mga kapatid, lahat sila'y sumama Nagpakalayo layo ni hindi makabisita Kakain na po itay, nakahanda na'ng lamesita Akay akay sa paglakad paisa isang hakbang Ngayo'y buto't balat ang dati matipunong katawan Ngayon sa inyong kaarawan, Susubukan kong palitan Ang lungkot na nadarama, wag na po nating balikan Kahit medyo naiinis hindi dahil sa nagka-cancer Kasi dahil ang tagapag-alaga mo'y nakaduster Isang gabi, ako'y iyong tinawag, Lumapit Ako sa'yong tabi ika'y tumangan, kumapit Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita Anak, patawad sana sa lahat ng aking nagawa Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha Dahil kung minsan mas lalake pa sa lalake ang bakla [Ebe Dancel] Drum na may tubig ang sinisisid Naglalakihang mga braso, sa'kin dumidikdik Drum na may tubig ang sinisisid Sa patagalan ng paghinga, Sa'kin kayo ay bibilib Ako'y isang sirena Kahit anong gawin nila Bandera ko'y di tutumba...

TAB AND LYRICS COMMENTS:

There is no comments for the sirena lyrics sheet music yet. Please post one now!

© 2020 TabCrawler Online Guitar Tab and Music Lessons Archive